THOUGHTS WHILE WATCHING THIS FILM:
- only a few films are intellectually satisfying; this is one of them
- writing a long blogpost is a disservice, isang kabalintunaan (an irony)
- succeeds by keeping its narration short
- looks like a montage for music videos
- most of its poetry is sung
- editing for the first act was spot-on
- audience is welcome to interpret the story
- lots of heart
- one of the best of 2011
- an instant classic
- will post two poems below
KINUKUMUTAN KA NG AKING TITIG
by Ruth Elynia Mabanglo
Kinukumutan ka ng aking titig -
Isang siyudad ng pag-ibig:
Dilim na binabagtas ng mga hipo,
Liwanag na kaakibat ng mga pangako.
Nililiyo ako ng mga haplos,
Binubura ng mga alaala.
Ay, tila ugat akong nabubunot,
Umaangat,
Lumilipad,
Mga mata’y nag-uulap.
Nilalakbay ko ang katawan mo,
Buwan akong umiikot
Sa iyong sinukob,
Nilulukob kita hanggang panaginip,
Nilalagok ang iyong tinig,
Natitigmak ako hanggang buto,
Humahagod sa ligamgam ng iyong hininga,
Humihimlay sa iyong mga halik
Hanggang alaala’y mapaknit
At sa pusod ko’y sumanib.
Mahal, ako’y napapapikit
PAGLISAN
by Joi Barrios
Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan.
Walang labis, walang kulang.
Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Nunal sa balikat,
Hungkag na tiyan.
May tadyang ka bang hinugot
Nang lumisan?
Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Sa kaloob-looban,
Sa kasuluk-sulukan,
Nais kong mabatid
Ang lahat ng iyong
Tinangay at iniwan.
Nais kong malaman,
Kung buong-buo pa rin ako
sa iyong paglisan.
Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa
(The Dance of Two Left Feet)
Cinemalaya Presents
A Film by Alvin Yapan
A Vim Yapan/Alem Chua Production
In Cooperation with BIGTOP Media Productions, Inc.
and Far Eastern University
Starring Paulo Avelino, Rocco Nacino, and Ms. Jean Garcia
GRADE A Rating, Philippine Cinema Evaluation Board
Won, Best Cinematography - Cinemalaya 2011
Won, Best Original Score - Cinemalaya 2011
Won, Pre-Columbian Bronze Circle Award - 28th Bogota International Film Festival
Nominated, Halekulani Golden Orchid Award Narrative Feature - 31st Hawaii Int'l Film Fest
No comments:
Post a Comment